lindog ni Marian, puring-puri nina Anne at Kathryn
Bago ang ginanap na contract signin*g bilang celebrity endorser ng SOF Mmmm ng Personal Collection ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ginawaran muna si Marian ng tropeo dahil siya ang nanalo bilang Dealer’s Choice Award.
Ang naging criteria ay kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na kuhaning artista para mag-represent ng produkto. Dapat daw ay hindi lang basta maganda kung hindi, pinakamaganda, pinaka-sexy at pinakamaba*ngo.
Para rin namang bumagay lalo kay Marian dahil sa tagline ng kasalukuyan niyang primetime soap, ang Carmela Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.
Bongga nga si Marian dahil siya lang yata ang Reyna na halos ang level sa pagiging artista, pero, aminadong naglalaba talaga at siya ang personal na naglalaba ng mga undergarments niya.
“Naniniwala kasi ako na bawat babae, kailangang marunong maglaba. Hindi ko naman sinasabing nilala*bhan ko lahat, mga undergarments ko lang.”
Inamin naman ni Marian na nagbigay talaga siya ng mga pointers sa Kapuso actress na gaganap bilang sirena, si Louise delos Reyes nga sa Kambal Sirena.
“Eh kasi, bilang mga bagets itong mga ito at ako ang nakatatanda sa kanila at halos lahat sila, ate nila ko. Mga pointers lang naman na mga bagay-bagay na dapat mahalin nila ang trabaho nila dahil magre-reflect ‘yan sa ginagawa nila.”
Binigyan din ba niya ng pointers si Louise kung paano lumangoy?
“Hindi naman siguro kung paano lumangoy kung hindi kung paano magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Kaya nga binigay sa kanya ang Kambal Sirena, ibig sabihin naniniwala ang network sa kanya. ‘Yun pa lang, dapat may kumpiyansa na siya.”
Malaki nga raw ang pasasalamat ni Louise dahil sa mga sinabi niya, na-motivate ito.
“Ha Ha Ha! Thank you at least, kino-consider niya ang mga sinasabi ko sa kanya. Ay naku, love ko ang mga batang ‘yan.”
Sinagot din ni Marian ng pasasalamat ang mga Kapamilya stars na pumuri sa naging FHM cover niya tulad nina Anne Curtis at Kathryn Bernardo.
Sabi ni Marian, “Si Anne kasi, kaibigan ko naman siya. Nagkikita kami sa shoot. Hindi man kami nagte-text-an o lumalabas na magkasama, alam naming magkaibigan kaming dalawa. (Rose Garcia)
đang được dịch, vui lòng đợi..