PEP EXCLUSIVE. Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating tween star na si Joshua Dionisio sa opening ng first flagship store ng Converse sa Glorietta Mall, Makati City, nitong Biyernes, January 18.
Nakaupo lang ito sa isang bahagi ng tindahan at nag-iisa.
Nilapitan ng PEP si Joshua at tinanong namin siya kung okay lang ba sa kanya na makapanayam. Pumayag naman siya.
Aniya, kasama niya ang kanyang mga magulang sa event.
SCHOOL OVER CAREER. Maraming katanungan ang naiwan ni Joshua sa kanyang biglaang pagtalikod sa showbiz sa kabila ng tinatamasang popularidad sa bakuran ng GMA-7.
Ang huling teleserye na ginawa ni Joshua ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin (2011).
Isa sa pinagtatakhan ng marami ay kung bakit pinili niyang mag-aral muli at tumigil na sa showbiz.
Paliwanag ni Joshua, “E, kasi medyo matagal na rin po akong na-stuck sa high school, e. Gusto ko lang talagang tapusin ang high school."
Eighteen years old na si Joshua ngayon pero fourth year high school pa lang siya.
Parang naiinggit daw siya sa mga dati niyang kaklase dahil, “Yung mga kaklase ko po talaga ay third year college na."
Sa isang international school sa Fairview raw siya nag-aaral ngayon.
“Parang home-study program lang siya, pero puwedeng… pero puwede ka pumasok pa rin," banggit niya.
ON TO COLLEGE. Masaya raw si Joshua sa kanyang pag-aaral ngayon.
Sa Marso nga ay nakatakdang grumadweyt ng high school si Joshua, at gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa college.
Saad niya, “Itutuloy ko po ang pagka-college ko.
“Pinag-iisipan ko pa kung Psychology or Computer Engineering ang course na kukunin ko, kung ano po yung mas maramdaman ko na mas gusto ko."
Kung walang klase, ano naman kaya ang kanyang mga pinagkakaabalahan?
“After school, wala po, as in back to normal life po talaga ako ngayon."
Wala rin daw siyang girlfriend ngayon.
ABS-CBN and GMA. Nagsimula si Joshua sa showbiz bilang child star sa bakuran ng ABS-CBN. Lumipat siya sa GMA-7 bilang teen star at sumikat naman, lalo na noong pumutok ang tambalan nila ni Barbie Forteza.
Ngayon ba ay nagge-guest pa siya sa mga programa ng GMA-7?
Sagot ni Joshua, “Wala po, hindi na po.
“Besides, tapos na po yung contract ko sa GMA Artist Center.
“Wala na, hindi na namin masyadong pinu-push ang magkaroon ng mga shows."
Wala raw siyang manager ngayon dahil ang Kapuso network nga ang nag-manage sa kanya noon.
Sino na ang nagpapatakbo ng career niya ngayon?
“Ngayon po, wala po," tugon ni Joshua.
Pero puwede naman daw siyang mag-guest kung may kukuha sa kanya, kahit sa ibang istasyon.
THE RUMOR. Inusisa rin ng PEP kay Joshua kung may katotohanan ang balitang lumabas sa mga pahayagan noon na diumano ay nagparamdam daw siya sa kanyang dating network, ang ABS-CBN.
“Po? Ngayon po? Dati po?" balik-tanong niya.
Ayon kasi sa report ay hindi raw “kinagat" ng mga taga-Kapamilya ang pagpaparamdam ni Joshua dahil halos “triple" raw ang hinihinging talent fee nito.
Itinanggi ng binata ang isyu.
Natatawa niyang sabi, “Wow, wala pong ganun!
“Kaya nga po bumalik ako sa school, hindi naman po para magpa-triple ng talent fee, wala naman pong ganung bagay."
Kasunod na nilinaw ng PEP sa kanya ay ang tungkol sa naging isyu naman daw niya sa GMA-7.
May usap-usapan kasi noon na hindi raw basta basta nagge-guest si Joshua sa ibang shows kapag “maliit" lang ang bigay na talent fee.
Paliwanag ni Joshua tungkol dito, “Actually, wala nga pong ibinibigay sa amin na mga guestings. Kung meron man, parang laging naka-cancel.
"Kaya walang ganung issue, dahil maliit yung talent fee… wala naman pong ganun."
NOT MISSING SHOWBIZ. Hindi ba niya nami-miss ang showbiz?
“Ngayon po, hindi naman po masyado. Masaya naman po ako sa school life ko, high school life," sagot ni Joshua.
May komunikasyon pa ba sila ng kanyang dating ka-loveteam na si Barbie?
“Ngayon po, medyo busy siya, e. Hindi naman kami masyadong nagkikita rin."
Bakit pinili niyang tumigil sa pag-aartista samantalang nasa peak ang kasikatan nila noon ni Barbie?
Paliwanag niya, “E, parang hindi ko na lang nagustuhan na… parang ganun. Nawalan na po ako ng gana."
Nakakasawa ba?
“Medyo, kasi dati masaya, tapos di na ako ako masyado masaya.
“Parang hindi na ako ganun ka-enthusiastic tulad ng dati."
Baka naman na-frustrate lang siya sa isang bagay sa showbiz kaya siya nakaramdam ng “walang gana"?
Sabi ni Joshua, “Hindi naman po, kasi dati talaga, ang…
"Kaya naman po talaga ako nag-showbiz is that, dahil talagang feeling ko, masaya ako dun, kumportable ako dun, every taping.
“Pero ngayon po, parang napapagod na ako.
“Kasi kapag gusto mo yung bagay na ginagawa mo, parang hindi ka napapagod, di ba? Alam mo yun?
“Kaya parang ayaw ko na, kasi nakakapagod.
đang được dịch, vui lòng đợi..